Idinipensa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang hindi pagbanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure bill sa kanyang State of the Nation Address.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, nais makatiyak ng pangulo na magiging balanse ang laman ng panukala para sa mga empleyado at employers kayat nais nyang pag-aralan pa ito.
Sinabi ni Bello na hindi lamang naman employers ang umaalma sa Security of Tenure bill kundi maging ang ilang labor groups.
Sa ilalim ng panukalang batas na inaasahang tatapos sa endo, magiging apat ang klasipikasyon ng manggagawa; ang mga regular, probationary, project-based at seasonal.