Ipapatawag ng PACC o Presidential Anti – Corruption Commission ang mga ilang opisyal ng ahensiyang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na nangunguna sa pinaka nirereklamo sa hotline 8888.
Ito ay ang Land Transporatation Office, Land Registry Authority, Social Security System, Bureau of Internal Revenue at PAGIBIG Fund.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, layon ng naturang pagpupulong na makapaglatag ng solusyon upang mapabilis ang sistema at pagbibigay serbisyo publiko.
Makakasama ng PACC ang Anti – Red Tape Authority para maisaayos ang serbisyo ng nabanggit na mga ahensiya ng gobyerno.