Pansamantalang ipasasara ng DILG o Department of Interior and Local Government ang ilang mga Beach Resort sa El Nido Palawan.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, ito ay matapos matuklasang may mataas na lebel ng Fecal Coliform sa katubigang bahagi ng Bacuit Bay at Corong –Corong kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa maruming tubig sa lugar.
Nakasaad aniya sa rekomendasyon ang hindi bababa sa 3 buwang pagpapasara sa mga resort sa 3 Barangay sa Bacuit at isa sa Corong-Corong.
Kaugnay nito, sinabi ni Densing na hindi muna papayagabn ang anumang water activities at paliligo sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, inirerekomenda rin ng DILG ang pagbuo ng Inter Agency Task Force para sa El Nido kabilang ang Department of Tourism at Environment and Natural Resources.