Nag-ikot si PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa iba’t ibang mga lotto outlet sa Baguio City ngayong araw.
Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapatigil sa operasyon ng lahat ng mga gaming scheme na pinatatakbo ng PCSO kabilang na ang lotto.
Kasabay nito, mahigpit ang atas ni Albayalde sa lahat ng mga chiefs of police sa buong bansa na sundin ang 24-oras na palugit ng pangulo.
Magugunitang binigyang diin ng pangulo sa kaniyang utos na ipasara at itigil ang operasyon ng lotto, STL, keno at iba pang sugal dahil tadtad aniya iyon ng kurapsyon.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)