Dalawa (2) hanggang apat (4) na bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na buwan.
Ito, ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas ay batay sa nakalipas na data nila para sa buwan ng Agosto.
Sinabi ni Rojas na ang mga nasabing bagyo ay inaasahang tatama sa hilagang bahagi ng bansa.
Samantala, malaki ang tiyansang maging bagyo ang binabantayang low pressure area sa kanlurang bahagi ng Dagupan city sa Pangasinan.
Subalit inaasahang kikilos ang nasabing LPA palabas ng West Philippine Sea at palalakasin nito ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa bansa.
Maaliwalas na panahon ang inaasahan ngayong araw na ito bagamat may posibilidad na umulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.