Timbog ang 22 Pinoy seamen nang mahulihan ng cocaine sa sinasakyan nilang barko sa Atlanta, Mexico.
Sa ginawang inspeksyon ng Marina Armada ng Mexico sa UBC SAVANNAH, nasabat ang 225 kilo ng cocaine.
Ang naturang barko ay nakarehistro sa bansang Cyprus at may tripulanteng isang puti at nalalabi ay mga Pilipino.
Kargado ng coal ang naturang barko mula sa Barranquilla, Colombia at dumaan sa Puerto ng Altamira, Mexico bago tumulak sa Houston, Texas sa Amerika.
Wala pang inisyung pahayag ang Harttman Crew Philippines na siyang nagsisilbing local manning agency ng UBC SAVANNAH.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)