Pumasok sa 5th pwesto ang Pinay skate boarder na si Margiely Didal sa Street League Skateboarding World Tour na ginanap sa CA Skateparks Training Facility sa Los Angeles.
Ito ay matapos na makakuha si Diaz ng score na 21.2 sa women’s final, mas mataas sa dating world champion na si Leticia Bufoni ng Brazil.
Dahil dito, mas tumaas ng tsansa ni Didal na makapasok at makalaban sa Tokyo 2020 Olympics.
Magugunitang nakuha ni Didal ang 4th na gintong medalya ng Pilipinas sa Asian Games noong 2018 at inaasahang sasabak din ito sa 2019 Southeast Asian Games.