Bumuo na ng 2 grupo ang NBI o National Bureau of Investigation para tumutok sa imbestigasyon ng umano’y talamak na kurapsyon sa PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon kay NBI Director Dante Gierran, sisikapin nilang matapos agad ang imbestigasyon sa mga umano’y katiwalian sa loob ng PCSO gayundin ang pagsasampa ng kaso sa mga nasa likod nito.
Nangako si Gierran na mahigpit ang kanilang gagawing pagbusisi para makapangalap ng matibay na ebidensiya sa usapin.
Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tututukan ng imbestigasyon ang umano’y bilyong pisong halaga ng pera mula sa mga gaming operations ng PCSO na hindi naireremit.
Samantala bukod sa PCSO, kasabay ding sisiyasatin ng nbi ang mga sinasabi ring katiwalian sa BOC o Bureau of Customs.
Kaugnay nito, itinalaga si NBI Deputy Director Atty. Antonio Pagatgat para pangunahan ang imbestigasyon sa PCSO at BOC.