Inabswelto ng Korte Suprema si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Sergio Valencia sa kasong malversation.
Sa ipinalabas na desisyon ng first division ng Supreme Court, pinagbigyan nito ang inihaing demurrer to evidence ni Valencia na bumabaliktad naman sa naunang resolusyon ng Sandiganbayan noong 2015.
Ayon sa Korte Suprema, nagkaroon ng pag-abuso ang sandiganbayan matapos nitong pagpasiyahan na sapat ang ebidensiya laban kay Valencia gayung hindi malinaw ang detalye ng mga alegasyon laban dito.
Nag-ugat ang kaso sa kwestiyonableng paggamit umano ng P13.3-million na confidential intelligence fund ng PCSO noong Arroyo administration.
Nauna nang naabswelto sa kaparehong kaso ang kapwa akusado ni Valencia na si dating pangulong Goria Macapagal Arroyo noong 2016.