Nangangailangan ng mga karagdagang kagamitan ang Office of the Civil Defense (OCD) para sa agarang pagtugon sa mga biktima ng kalamidad.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pag-aming mabagal ang kanilang pagtugon sa mga naapektuhan ng kambal na lindol sa Batanes bagama’t mayroon silang sapat na mga tauhan.
Ayon kay Lorenzana, kulang ang kanilang mga air assets sa Batanes kaya nagiging problema ang transportasyon para mailipat ang mga tulong partikular sa Itbayat.
Samantala, patuloy na umaapela ng tulong ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng mga dioceses para sa mga residente ng Batanes na matinding naapektuhan ng lindol.
Habang nangako na ang mga kongresista ng hindi bababa sa tig-P5,000 sa kanilang mga sahod bilang donasyon.
with report from Jaymark Dagala