Tuloy ang dry run ng MMDA o Metro Manila Development Authority sa provincial bus ban sa August 7.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, layon ng dry run na masubukan kung epektibo ang provincial bus ban para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko.
Nakipag pulong na ang MMDA kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga operators ng provincial buses at nilinaw na wala munang hulihang magaganap.
Sa ilalim ng memorandum circular ng LTFRB, kailangang maipasara muna ng mga local government units ang mga bus terminals sa EDSA bago opisyal na masisimulan ang provincial bus ban.
Ang mga bus na galing ng timog ay kailangang huminto sa Sta. Rosa Interim Terminal samantalang ang mga galing ng norte ay hanggang Valenzuela Terminal na lamang.