Bukas ang ilang senador sa paghahain ng diplomatic protest ng bansa laban sa China.
Ito’y kaugnay sa swarming activities ng mahigit 100 barkong pangisda ng China sa Pagasa Island.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang naturang hakbang ng gobyerno ay bilang pagtugon sa mga mangyayari pang “acts of aggression” ng ibang bansa.
Nagkakaiba-iba man aniya ang mga Pilipino ng pananaw sa ibang usapin, ngunit dito umano ay tiyak na nagkakaisa ang lahat para ipaglaban ang ating karapatan.
Hinimok naman ni Sen. Joel Villanueva ang DFA na isapubliko ang nilalaman ng inihaing protesta ng gobyerno laban sa China.
Kasabay nito iginiit ng senador na dapat ay humihingi ng permiso ang China bago ito dumaan sa nasabing teritoryo ng Pilipinas.
Tinawag naman “cabbage strategy” ni Sen. Panfilo Lacson ang ginagawa ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.