Hinikayat ni Sen. Francis Pangilinan ang mga botanteng kabataan na magparehistro para sa gaganaping barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon kay Pangilinan, ang pagboto ay isang paraan nang pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa bayan.
Kasabay nito, hinikayat ng senador ang Commission on Elections (COMELEC) na mag-isip ng estratehiya para mahikayat ang maraming kabataan na magparehistro.
Aniya, target ng COMELEC na maaabot ang 2-M bagong botante.