Inamin ng COMELEC na naapektuhan ng panukalang pagpapaliban sa barangay at sangguniang kabataan elections ang kanilang paghahanda rito.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, unang tinatamaan sa nasabing panukala ang bilang mga nagpaparehistro para maging botante.
Duda aniya ang ilan sa mga nais magpa rehistro kung matutuloy ang eleksyon kaya’t hindi na lamang muna magpaparehistro ang mga ito.
Sinabi ni Jimenez na bagamat hindi sila tumitigil sa paghahanda, nagpapatupad sila ng slow down o hinay hinay lamang sila para matuloy man o hindi ang eleksyon ay hindi lubos na maapektuhan ang kanilang paghahanda.
Inihayag ni Jimenez na ito ang isang dahilan kaya’t tatagal pa hanggang September 30 ang voters registration na nagsimula kahapon.
Kasabay nito, nakiusap si Jimenez sa mga kaanak ng mga namatya ng botante na makipag ugnayan sa kanila para maalis na ang mga patay na sa listahan ng registered voters at hindi magamit ng mga pulitiko.