Umaasa ang ACT-CIS Partylist na magkakaroon ng mas mataas na tiyansang makalusot sa Kongreso ang House Bill No. 2476 o Media Workers Welfare Act na magtatakda sa minimum na sahod at katiyakan sa trabaho ng mga media personnel.
Ito’y ayon kay ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran kasunod ng nilagdaang memorandum of agreement sa Presidential Task Force on Media Security sa pangunguna ni Usec. Joel Egco.
Nakasaad aniya sa panukala ang security of tenure, social at insurance benefits gayundin ang standardized na pasahod para sa mga manggagawa ng media.
Magtatatag din ng Commission on Media Workers na siyang mangangasiwa sa examination ng mga media personnel na nais ma-promote at tumaas ang sweldo.
Marami din ang nagtangka na tulungan ang ating mga kapatid sa hanap-buhay pero hindi nga nakapasa, pero this time, ang kagandahan kasi meron tayong backing ng Malacañang because nagsanib-puwersa kami, nagkaroon kami ng MOA signing with the Presidential Task Force on Media Security na si Usec. Joel Egco. So nagkaroon kami ng, nakapaloob dito ‘yung salary matrix ng ating mga kapatid. Aside from the security of tenure, itong mga kapatid natin sa hanap-buhay ay ma-standardized na ang ating mga sweldo,” ani Taduran.
Samantala, iginiit naman ni Taduran na napapanahon na ang isang batas na magbibigay kilala sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga media workers.
It’s about time, e, dahil ang lagi ko ngang sinasabi, tayo ang nilalapitan ng mga inaapi, tayo ‘yung boses ng ating mga kababayan, ng taumbayan, tapos tayo pa ‘yung inaapi, mismo. Kasi hindi nila alam, tayo mismo pala, kumbaga, e, walang benepisyo, at tayo pala mismo ay laging three months-three months lang ang kontrata,” dagdag pa ni Taduran.
Ratsada Balita Interview