Nakatakdang kumonsulta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Office of the Solicitor General (OSG) at sa kani-kanilang legal team.
Ito’y makaraang maglabas ng injunction order ang Quezon City RTC na nagpapatigil sa nakakasa nang provincial bus ban sa Agosto 7.
Batay sa inilabas na pahayag ng dalawang ahensya ng pamahalaan, kanila namang susundin ang kautusan ng Korte bilang ito ang isa sa mga tinitingalang institusyon.
Gayunman, kapwa binigyang diin naman ng mga nabanggit na ahensya na hindi pa rito nagtatapos ang laban dahil ito’y isasailim sa legal review upang makapaghain ng apela.