Nabunyag ang umano’y tangkang pag-atake ng teroristang grupo na Isis sa Northern Luzon.
Ito ay matapos na mag-leak ang isang memorandum mula sa tanggapan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) hinggil sa umano’y intelligence report.
Kinumpirma naman ni NOLCOM Spokesman Maj. Ericson Bolusan na sa tanggapan nga nila galing ang nasabing kalatas na kanila aniyang pinagtataka kung paano ito kumalat gayung isa itong “confidential file”.
Sinabi ni Bolusan na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umanoy tangkang pag-atakae ng teroristang grupo na Isis sa ilang lugar sa kanilang nasasakupan partikular na sa mga matataong lugar tulad ng simbahan at mosque na bahagi umano ng kanilang krusada.
with report from Jaymark Dagala