Isinisi sa makalumang disenyo ng mga pampasaherong bangka sa Iloilo at Guimaras ang paglubog ng tatlong bangka na ikinasawi ng halos 30 katao.
Pinuna ni Commodore Allan Dela Vega, district commander ng Philippine Coast Guard sa Western Visayas na pini-phase out ang mga lumang jeepneys sa lupa pero hinahayaang bumiyahe ng maraming sakay ang tradisyunal na kahoy na de-katig na bangka sa Iloilo-Guimaras.
Ayon kay Dela Vega, masyadong bukas sa panganib ang mga de-katig lang na bangka kapag mayroong ‘subasko’, ang tawag nila sa biglaang paglaki ng alon o ‘squalls’.
Samantala, ang isyu ng kung dapat bang isuot ng mga pasahero ng bangka ang life vest ay nakabinbin pa sa korte.
Napag-alamang hinihawakan ng karamihan sa mga pasaherong pumapasok sa opisina ang life vest sa halip na isuot dahil nakakagusot di umano ng kanilang kasuotan.