Pinawi ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng sambayanan sa nabunyag na di umano’y planong pag-atake ng Isis sa Northern Luzon.
Ayon kay BGen. Bernard Banac, spokesman ng PNP, bagamat kumpirmado ang alert memo mula sa Northern Command ng AFP, alerto lamang ito para beripikahin ang mga pumapasok na impormasyon.
Sinabi ni Banac na kung seryoso ang banta, siguradong nakipag-ugnayan na sa kanila ang AFP.
Gayunman, sinabi ni Banac na laging handa ang PNP at ang AFP sa anumang banta sa kapayapaan sa ating bansa.
Malayo talaga sa katotohanan, subalit alam naman natin na ang terorismo ay umaatake ito, no, ‘yung least expected natin na panahon at lugar. So, hindi pa rin tayo magpaka-kampante, dapat alerto tayo, lahat ng mga mamamayan ay mapagmatyag sa anumang kahina-hinalang mga tao sa ating palibot, at ipaabot kaagad sa ating otoridad. At ang PNP naman, AFP, ay naka-alerto mga bagay na ito,” ani Banac.
Ratsada Balita Interview