Nananatiling buhay ang federalismo sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ay kahit nawala na sa listahan ng priority legislative agenda ng pangulo ang federalismo.
Sinabi ni Panelo na hindi na kailagang idaan sa panukalang batas ang pagsusulong sa federalismo dahil kinakailangan nang amiyendahan ang konstitusyon.
Ang kailangan aniya ay magkasundo ang kamara at senado sa pamamagitan ng constituent assembly para mailatag ang proposed amendment.
Inihayag pa ni Panelo na sakaling hindi maipasa ang federalism, maaari namang gamitin ang local government code.