Dismayado ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kakaunting provincial bus na nakilahok sa dry run para sa provincial bus ban.
Ayon kay Bong Nebrija, EDSA traffic management chief ng MMDA, posibleng ito ang gawing basehan ng MMDA kung kakanselahin o ipagpapatuloy pa ang dry run.
Habang wala anyang direktiba mula sa pamunuan ng MMDA para kanselahin ang dry run ay itutuloy nila ito upang malaman kung epektibo ang provincial bus ban para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.
We still need to get the number, sir, pero so far, hindi namin nakikita ‘yung numero na gusto namin,” ani Nebrija.
Ratsada Balita Interview