Mahigit 50% nang tapos ang housing project ng National Housing Authority (NHA) para sa mga naapektuhan ng Marawi siege.
Ipinabatid ni Roderick Ibanez, Project Management Head na mahigit 3,000 mula sa halos 5,000 temporary shelters na ang naipapamahagi para sa mga bakwit.
Disyembre ngayong taon ay target nang matapos ang natitirang bilang ng transition houses.
Samantala ang 2,000 permanent houses naman ang itatayo ng San Miguel Corporation at nakatakdang matapos ang konstruksyonnito sa may 2020.