Lalo pang lumakas ang Tropical Storm Hanna na ngayon ay nasa ‘Typhoon’ category na, ayon sa PAGASA weather bureau.
Nananatiling nakataas ang signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Namataan naman ang sentro ng Typhoon Hanna kaninang 5:00AM sa layong 625 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Nagtataglay ito ng hanging may lakas na 120 kilometers per hour (kph) at bugsong umaabot sa 150 kph.
Kumikilos naman ang naturang bagyo kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.
Sa pinakahuling track ng PAGASA, mababa ang tiyansa nitong maglandall.
Samantala, inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Hanna sa Biyernes.