Namumuro umanong makasuhan si dating pangulong Noynoy Aquino ng multiple homicide sa halip na graft at usurpation of authority na kasalukuyang kinakaharap nito sa Sandiganbayan na nag-ugat sa Mamasapano encounter.
Supreme Court binawi na ang Temporary Restraining Order sa Mamasapano trial | via @bert_dwiz882 pic.twitter.com/lux03v3gYW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 7, 2019
Nasawi sa naturang insidente ang 44 na miyembro ng Special Action Force makaraang matagumpay nilang mapatay ang Malaysian terrorist na si Zulkipli Bin Hir alyas ‘Marwan’.
Ito ay matapos tanggalin na ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order laban sa paglilitis ng kaso sa sandiganbayan.
Dahil dito, maaari na umanong desisyonan ng sandiganbayan ang mosyon ni Ombudsman Samuel Martirez kung saan binabawi nito ang kasong graft at usurpation na isinampa laban kay Aquino, dating PNP Chief Allan Purisima at dating SAF Director Getulio Napenias.
Sinasabing nais ni Martirez na mabawi ang mas mababang kaso na isinampa laban kina Aquino upang makasuhan sila ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.
Una nang umalma ang pamilya ng SAF 44 sa anila’y malabnaw na kaso laban kay Aquino na isinampa sa panahon ni retired ombudsman Conchita Carpio Morales.
Tinanggal na ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) na pumigil sa pagdinig ng Sandiganbayan sa kaso ni dating pangulong Noynoy Aquino.
Si Aquino kasama sina dating PNP Chief Allan Purisima at dating PNP SAF Director Getulio Napenias ay nahaharap sa kasong graft at usurpation of authority dahil sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force sa Mamasapano noong January 2015.
Napag-alamang nagkakaisa ang mga justices na dapat nang matanggal ang TRO laban sa pagdinig ng kaso ni Aquino.
Matatandaan na ang naturang TRO ang humarang para mabasahan na ng sakdal si Aquino.
with report from Bert Mozo (Patrol 3)