Hindi mamadaliin ng Department of Health (DOH) ang gagawing pag-aaral kung gagamitin bang muli ang dengvaxia kahit pa nagdeklara na ng national epidemic sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, kailangan ng complete documentation ng mga isasagawang pagsusuri bago gamitin ulit ang bakuna.
Hindi aniya ito dapat ikonekta sa kasalukuyang nararanasang dengue outbreak dahil hindi naman umano ito agad magiging solusyon.
Dagdag pa ni Domingo, karamihan sa mga pasyente na may dengue ay may edad na lima (5) hanggang siyam (9) na taong gulang habang ang dengvaxia sa ibang bansa ay ginagamit sa edad na sampu (10) hanggang 16 na taong gulang.
Una rito, hinimok ni dating health secretary Janet Garin ang pamahalaan na payagan nang gamitin muli ang dengvaxia kontra dengue.