Bumagal ang paglago ng ekonomiya mula Abril hanggang Hunyo ng taong ito.
Batay sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA), pumalo sa 5.5% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, mas mababa sa 6.2% na naitala mula Abril hanggang Hnyo ng 2018.
Mas mababa rin ito ng 0.1% sa 5.6% GDP na naitala mula Enero hanggang Marso ng taong ito.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang pagbagal ng ekonomiya ay epekto ng el niño phenomenon at mabagal na construction activities.
Kailangan anyang hindi bumaba sa 6.4% ang GDP ng bansa sa mga susunod na buwan para maabot nila ang 6%-7% na paglago para sa kabuuan ng 2019.