Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi sagot ang Dengvaxia vaccine para masolusyunan ang lumulobong bilang ng kaso ng may dengue.
Ayon kay Health Secretary Usec. Eric Domingo, hindi epektibo sa lahat ng tao ang naturang bakuna.
Ito lamang aniya ay dapat ibinibigay sa mga batang tinamaan na ng dengue noon.
Magugunitang idineklara ng DOH ang national dengue epidemic sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang mga nagkaka dengue sa bansa.