Posibleng magsampa ng panibagong kaso ang pamilya ng mga biktima ng Mamasapano massacre laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ay ayon kay Attorney Ferdie Topacio, abogado ng mga biktima kasunod ng utos ng korte suprema na pag-bawi sa temporary restraining order sa paglilitis ng kaso laban kay Aquino sa Sandiganbayan.
Aniya, mahinang kaso lamang ang usurpation at graft na isinampa noon sa ilalim ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales laban sa dating Pangulo.
Hinihintay na lamang nila na madismiss ang mga kasong ito para makapagsampa muli ng panibago.
Ngayon palang po ina-anticipate na po namin ang mga legal steps na maaring mangyari, naghahanda na po kami. Ngayon po na wala na pong legal obstacle sa pagdismiss nung mahinang kaso laban kay (dating)Pangulong Aquino ay magpa-file na po kami”.
Tinig ni Atty. Ferdie Topacio sa panayam ng DWIZ.
Sa panulat ni Gene Cruz