Hinikayat ni Senador Ralph Recto na gamitin ng pamahalaan ang nakokolekta mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) para pondohan ang mga road clearing projects.
Ayon sa senador, magandang gamitin ang MVUC sa iba pang mga proyekto ng DPWH at gamitin na lang ang budget nito sa mga lokal na proyekto.
Dagdag pa nito ay dapat maging patas ang pamahalaan pagdating sa mga proyekto sa daanan.
Hindi lang dapat nakatuon sa mga batas at regulasyon sa lansangan ang pamahalaan bagkus ay bigyang pansin din ang mga kagamitan sa pagsasaayos ng daan.
Samantala, umaabot ng halos P46-B ang hindi nagamit na MVUC noong nakaraang taon.
Sa panulat ni Gene Cruz