Inaresto ng mga opisyal ng US Immigration ang halos 700 empleyado ng isang planta matapos madiskubreng walang legal na immigration papers.
Isang planta ng karne ng manok ang sinalakay ng mahigit sa anim na raang Immigration and Customs Enforcement agents (ICE) at inaresto ang humigit kumulang 680 empleyado nito na sinasabing undocumented aliens.
Alinsunod ito sa kautusan ni US President Donald Trump hinggil sa pagpapaalis sa milyon-milyong illegal aliens sa nasabing bansa.
Ayon kay ICE Acting Director Matthew Albence, ito ay isa sa mga pinakamalaking enforcement operation laban sa mga undocumented immigrants sa kasaysayan ng US.
Ang mga naaresto ay dadalhin sa Missisippi National Guard at sasailalim sa questioning.
Hindi naman nabanggit ng ICE kung ano-ano ang mga nasyonalidad ng mga naarestong illegal aliens.