Nakatakdang muling maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.
Okay, got it, General. @DFAPHL firing off diplomatic protest. https://t.co/xF7oT7mWhl
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) August 9, 2019
Sa pagkakataong ito, ito ay may kaugnayan sa umano’y dalawang Chinese vessels na namataan sa bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Makikita sa Twitter account ni Foreign Affairs Secretary Teodory Locsin Jr. ang kanyang post kung saan nakasaad na sila ay muling magbabato ng diplomatic protest kontra China matapos kwentiyunin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pag-iikot ng mga naturang vessels sa karagatang sakot ng Pilipinas.
Samantala, ito na ang ikatlong diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China, una nang naghain noong Hunyo kaugnay sa Recto Bank incident at pangalawa ay noong Hulyo kung saan napaulat naman ang pagkukumpulan at aktibidad ng China sa pinag-aagawang teritoryo.