Naniniwala si Senate Minoroty Leader Franklin Drilon na kung hindi susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang wala ring mangyayari sa muling paghahain ng ‘anti-endo’ bill.
Ayon kay Drilon, kailangan munang igarantiya ng Malakanyang na hindi na mavi-veto ang ipapasalang bagong panukalang batas na naglalayong tuldukan ang endo.
Aniya, dapat na magkasundo ang National Economic and Development Authority at Department of Labor and Employment (DOLE) para magkaroon ng iisang posisyon ang naturang mga ahensiya sa naturang panukalang batas.
Sa kabila nito, kumpiyansa si Drilon na madaling makakalusot ang bagong bersiyon ng bill dahil suportado ito ng mayorya at minorya ng senado.