Bumuo ang Bureau of Customs (BOC) ng isang dibisyon na tututok laban sa pagpasok ng mga basura mula sa ibang bansa.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Guerrero, itinatag ang environmental protection and compliance division para masuring mabuti ang mga pumapasok na mga kargamento sa lahat entry points sa bansa.
Babantayan ng bagong tanggapan ang pagproseso ng mga shipments na posibleng naglalaman ng hazardous substances, waste at recyclable products.
Bibigyan din ito ng kapangyarihan na magrekomenda ng pagpapalabas ng alert order, pre-lodgment control order at pagsasampa ng kaso sa mga mahuhuling magpapasok ng imported na basura.