Patuloy paring ipinagbabawal ng Philippine Coast Guard o PCG ang paglalayag ng ilang barko sa bansa dahil sa nararanasan paring sama ng panahon na dulot ng hanging habagat.
Ayon sa PCG, umabot na sa 383 na mga stranded passengers ang kanilang naitala mula sa ilang port areas sa bansa.
Base sa ulat ng ahensya, nasa 108 na rolling cargoes; 28 mga barko at 18 motorbanca ang hindi parin nila pinapayagang makapaglayag para narin sa kaligtasan ng mga pasahero at mga tripulante nito.
Ilan sa mga port areas na patuloy na nakararanas ng kanselasyon ng byahe ay ang mga lugar ng Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at Southern Visayas.
Pahayag ng PCG, hindi pa nila masiguro kung hanggang kelan magtatagal ang ibinaba nilang abiso dahil sa nagpapatuloy parin ang pananalasa ng hanging habagat sa ibat-ibang panig ng bansa.