Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang tinatayang nasa mahigit 50 milyong pisong halaga ng pinaniniwalaang shabu na natagpuan sa Biri, Northern Samar kahapon.
Ayon kay Police Regional Office 8 o Western Visayas Director, Police B/Gen. Dionardo Carlos, natagpuan ng isang mangingisda ang naturang mga bloke ng hinihinalang shabu sa dalampasigan ng Sitio Pagul, Brgy. Pio Del Pilar dakong 2:30 kahapon ng hapon.
Nakalagay ang mga ito sa 3 selyadong plastic bag na may bigat na tig – 2 kilo gayundin sa 1 transparent plastic bag na may timbang na 1.5 kilo
Kaya naman sinabi ni Carlos na sa kabuuan, tumitimbang ang mga natagpuang shabu ng may 7.5 kilo at may street value na Php 51,000,000.00.