Nagpaalala naman ang DOLE o Department Of Labor And Employment sa mga kumpaniya hinggil sa umiiral na Holiday Pay Rules bukas, araw ng Lunes
Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim alinsunod sa Presidentail Proclamation 789 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea
Batay sa umiiral na Holiday Pay Rules ng Dole, dapat makatanggap ng Doble o 200 porsyento ng arawang suweldo ang mga manggawang papasok sa unang 8 oras at karagdagang 30 porsyento ng kanilang Hourly Rate kapag sila’y nag-overtime
Sakaling Day-Off ng isang manggagawa at pinapasok pa rin sa trabaho, kailangang makatanggap ito ng dagdag 30 porsyento sa 200 porsyento ng kaniyang arawang sahod at karagdagan pang 30 porsyento sa kaniyang hourly rate kapag siya’y nag-overtime