Patuloy namang tinututukan ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya ang sitwasyon ng mga kababayang pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing bansa
Ito’y matapos ang nangyaring pagsabog ng isang kotse malapit sa isang Shopping Mall sa bahagi ng Benghazi na ikinasawi ng 3 at ikinasugat ng 6
Nabatid na isang uri ng pag-atake ang insidente sa Arkan Mall sa Hawari District kung saan, sinasabing ang mga nasawi ay kawani ng United Nations Support Mission sa Libya
Bagama’t walang napaulat na nasawi o nasugatang pinoy sa pangyayari, patuloy na inaabisuhan ng mga awtoridad ang mga kababayang naruon na maging laging naka-alerto at mag-ingat