Ipinanawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) teachers partylist na imbestigahan ang umano’y anomalya sa pondo ng Department of Education.
Ayon sa report mula sa Commission on Audit, mayroong higit isang daang milyong pisong misused fund ang DepEd.
Base sa inilabas na pahayag ni ACT Teachers Chair Joselyn Martinez, magkakaroon ng pagpupulong ang party list para mapagusapan ang mga aksyong gagawin hinggil sa umano’y anomalya.
Dagdag pa nito ay hindi pa rin naibibigay ang mga textbooks na gagamitin para sa senior high school simula nang maipatupad ang K-12 program.