Naalarma si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa presensya ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Kaya ayon kay Drilon dapat na ipaliwanag ito ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa pagbalik niya sa China.
Sinabi ni Drilon na lubhang nakakabahala ang parami nang paraming Chinese vessels sa loob ng bansa na dapat ding imbestigahan ng senado.
Mas nakakatakot nga aniya sa panig ng gobyerno lalo’t hindi alam kung ano ang pakay ng mga nasabing Chinese vessels.
Pinuri naman ni Drilon ang paninindigan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na una nang nagbunyag hinggil sa dalawang Chinese survey ships sa loob ng bansa kaya’t muling naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs.