Good news sa mga customer ng Meralco!
Asahan ang refund na matatanggap matapos madiskubreng may maling kalkulasyon sa net settlement surplus (NSS) allocations ng kumpanya mula Hunyo 2018 hanggang Mayo 2019.
Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Agnes Devanadera, inatasan na nila ang Philippine Electricity Market Corporation (PEMC)/Market operator (MO) na i-adjust ang NSS allocations at agarang ipatupad ang refund.
Lumabas umano kasi sa audit na hindi tugma ang share of generators at customers sa NSS allocations na inisyu ng PEMC/MO.
Depensa naman ng PEMC/MO, sanhi umano ng ‘erroneous’ application ng formula sa kanilang mga software kung bakit nagkaroon ng maling kalkulasyon.