Isinailalim na rin sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue.
Ayon sa pinahauling ulat ng Provincial Health Office ng Albay, mula Enero 1 hanggang Agosto 7 ay umabot na sa 3, 055 dengue cases ang naitala kung saan 12 ang nasawi.
Mas mataas ito ng pitong beses sa 455 dengue cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.
Pinakamraming nagkakasakit ng dengue sa bayan ng Daraga, Tiwi at Pioduran.
Humingi ng P2-M pondo ang Provincial Health Office para sa pagbili ng dengue kits at mga gamit sa pagsugpo sa dengue-carrying mosquito.
Ang Albay ang ika-25 local government unit na nagdeklara ng state of calamity dahil sa dengue.