Kumikilos na ang konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong upang makauwi na ang may 50 Pinoy na stranded sa Hong Kong Airport.
Ayon kay Consul Paulo Saret, walang tauhan sa airport na maaaring magproseso ng kanilang mga dokumento kaya’t nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa immigration.
Dahil dito, nanawagan si Saret sa mga Pilipino na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa Hong Kong upang hindi maabala.
Sinabi ni Saret maliban sa abala ay ligtas naman ang lahat ng Pilipino na nasa Hong Kong dahil iniaanunsyo naman ng mga protesters kung saan gaganapin ang kanilang pagkilos.