Dapat may managot sa nangyaring undistributed textbook scam sa DepEd.
Ito ay ayon kay Congress Minority Leader Benny Abante dahil malamang daw ay korapsyon ang dahilan ng naturang isyu.
Aniya, dapat ay busisiin at imbestigahan ito ng Kamara para hindi na maulit.
Ayon naman kay Negros Oriental Third District Represenative Arnulfo Teves, dapat ay plunder ang isampang kaso laban sa mga opisyal ng DepEd kung mapapatunayang guilty ang mga ito sa naturang isyu.
Dagdag pa nito ay dapat maimbestigahan ito dahil napakalaking halaga ang sangkot dito.
Matatandaang naglabas ng report ang Commission on Audit na higit 200 milyon ang inilaan na budget sa mga textbooks.