Pina iimbestigahan sa Kamara ni Bataan Representative Geraldine Roman at ng Makabayan Bloc ang anila’y discrimination at pag aresto sa transgender na si Gretchen Custodio Diez sa isang mall sa Quezon City.
Tinukoy nina Roman at mga miyembro ng Makabayan Bloc ang mga paglabag sa karapatan ni Diez kaya’t dapat itong imbestigahan ng Committee on Women and Gender Equality.
Si Diez ay una nang hinarang ng isang janitress ng nasabing mall sa paggamit ng comfort room para sa mga babae at sa halip ay pinupunta sa CRng mga kalalakihan.
Sinasabing si Diez ay umalis subalit bumalik at kinausap ang janitress na vinideo pa nito.
Bigla na lamang pinosasan ng isang security guard si Diez at dinala sa Quezon City Police District 7 kung saan kakasuhan sana siya ng unjust fixation.
Nadismaya umano ang staff members dahil nag video si Diez ng walang permiso nila.