Ipinadideklara na ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Civil Aviation Authority o CAAP ang no fly zone sa darating na buwan ng Nobyembre.
Kaugnay ito sa gagawing Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit na gagawin sa Pilipinas mula Nobyembre 18 hanggang 19.
Ayon sa senador, ito’y upang mapaghandaan na ang mga posibleng pagka-antala sa biyahe ng mga eroplano at maiwasan ang airmageddon.
Binigyang diin pa ng senador na mahalaga na makapag-adjust ang mga biyahero tulad ng mga Overseas Filipino Workers o OFW gayundin ang mga seamen na aalis at darating sa bansa.
Magugunitang dalawang beses nagpatupad ng no fly zone ang Pilipinas sa pagbisita nila US President Barack Obama noong isang taon gayundin ni Pope Francis nito lamang Enero.
By: Jaymark Dagala