Hindi susuko ang mga supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para hikayatin itong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016 .
Sinabi sa DWIZ ni kapitan Mar Masanggid, founder ng Duterte for President 2016, ,maglulunsad sila ng “million march” sa Luneta sa Setyembre 26 para himukin ang aklade na magbago ng kanyang desisyon.
Nauna ng nagsabi si Duterte na hindi ito tatakbo sa pagka-pangulo subalit masigasig ang kanyang mga supporters .
Sinabi ni Masanggid na maraming supporters ang inaasahang darating sa rally at maging ang mga Overseas Filipino Workers ay uuwi ng bansa para kumbinsihin si Duterte na ikunsidera ang kanyang naunang desisyon.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)