Bubusiin ni Senador Grace Poe ang planong pagtataas sa singil ng mga bangko sa kanilang ATM transactions.
Sinabi ni Poe, Chairperson ng Senate Committee on Banks na dagdag pahirap na naman sa mga Pilipino ang nasabing plano.
Ayon kay Poe, maliit na interes ang ibinibigay ng mga bangko subalit malaki ang sinisingil sa simpleng balance inquiry at withdrawal.
Dehado aniya ang mahigit apat na milyong minimum wage earners na tumatanggap ng kanilang sahod sa pamamagitan ng ATM card kaya’t nais niyang marinig ang katuwiran ng mga bangko sa nasabing plano.