Walang nakikitang kakulangan sa suplay ng manok ang United Broilers Raisers Association (UBRA) sa kabila nang pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay UBRA President Elias Inciong, umbot na sa P107.00 kada kilo ang farm gate price ng manok, batay na rin sa kanilang survey sa Bulacan at Rizal.
Sinabi ni Inciong na malaking hamon din ang pag-aalaga ng manok at pagnenegosyo ng manok na nahihirapan din dahil sa pabagu-bagong klima.
Ikinalungkot din ni Inciong ang mga epekto ng record high na pag-aangkat ng manok sa local producers na aniya’y hilong-hilo na simula pa noong September 2018.