Umabot na sa $16.3-B ang remittance ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) noong unang bahagi ng taon.
Mas malaki ito ng 3% kumpara sa $15.8-B na pinadala nila nung unang bahagi ng 2018.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pinaka-lumago ay ang remittance ng mga sea-based OFW na umabot ng $3.5-B, mas malaki ito ng $8.8-B kumpara sa kaparehas na panahon noong 2018.
Habang bahagya lang ang inilago ng remittance ng mga land-based OFWs na umabot $12.4-B kumpara sa $12.2-B na pinadala nila nung same period nung 2018.
Karamihan sa mga remittance ay dinadaan sa mga bangko.