Pinayuhan ng DFA o Department of Foreign Affairs ang mga Pilipino na iwasan ang Hong Kong International Airport dahil sa patuloy na kilos protesta sa naturang bansa.
Ayon sa DFA, sa mga byaherong pilipino na wala naman urgent business sa Hong Kong ay mangyaring iwasan muna ang pagpunta o kahit ang mag stop over sa naturang paliparan.
Habang ang mga pilipino naman na magmumula ang byahe sa nasabing paliparan ay pinayuhang makipag ugnayan sa kanilang airline 5 oras bago ang byahe para makumpirma kung tuloy ito.
Pinaiiwas naman ang mga pilipino sa mga lugar na pinagdarausan ng kilos protesta at pinayuhang huwag magsuot ng kakulay ng damit ng mga protester.
Una nang inilabas ng konsulada ng pilipinas ang ilang mga lugar sa Hong Kong na sinasabing pagdarausan ng kilos protesta.